Presyo ng manok sa mga pamilihan sa Metro Manila, tumaas ng hanggang 15 piso kada kilo

by Radyo La Verdad | September 7, 2015 (Monday) | 2786

manok
Tumaas ng hanggang labinlamang piso ang presyo ng manok sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Sa ngayon, umaabot na sa P150 ang kada kilo ng manok.

Subalit ipinahayag naman ng Department of Agriculture na dapat ay nasa P120 hanggang P135 lamang ang presyo nito.

Kabilang sa mga nakikitang dahilan ng pagtaas ng presyo ng manok ay ang mabagal na paglaki ng mga sisiw dahil sa mainit na panahon kasabay ng pagtaas ng demand.

Wala namang nakikitang pagkakaroon ng shortage sa manok sa mga susunod na buwan dahil marami naman umanong breeder ng manok ngayon sa bansa.