Nagkaisa ang Department of Agriculture at mga Poultry Raiser na bantayan ang presyo ng manok sa merkado.
Dapat maramdaman ng mga mamimili ang pagbaba ng halaga ng manok dahil sobra ang supply nito ngayon.
Ibababa sa P125 ang SRP ng kada kilo ng manok mula sa dating P135.
Ipapaskil ito sa mga pamilihan maging ang farm gate price upang maikumpara ng mga mamimili at retailer kung naaayon ang presyo na kanilang binibiling manok.
Sa Qmart sa Quezon City, nasa P110 ang pinakamababang presyo ng bawat kilo ng manok subalit sa monitoring ng DA sa ibang pamilihan ay may mas mababa pa rito.
Pinalalakas naman ngayon ng DA ang pag-eexport ng manok dahil bentahe ang pagiging avian flue free ng bansa.
Nag-eexport na ang Pilipinas ng manok sa Japan at Saudi Arabia habang may negosasyon na rin ngayon sa Vietnam. ( Rey Pelayo / UNTV News Senior Correspondent )