Presyo ng manok, bumaba; supply, sobra – UBRA

by Radyo La Verdad | February 21, 2023 (Tuesday) | 726

METRO MANILA – Umaabot na sa P165 hanggang P210 ang presyo ngayon ng manok sa mga pangunahing palengke sa Metro Manila.

Ayon sa presidente ng United Broiler Raisers Association (UBRA) na si Atty Bong Inciong, nasa P10 hanggag P20 ang ibinaba ng presyo nito pagkatapos ng holiday season.

Nasa 10% – 20% na mas marami nag supply ng manok ngayon

Isa sa nakikitang niyang dahilan ay ang pagbaba ng demand. Posible rin aniyang ikonsidera ang kakayahan ng mga tao na bumili.

Nakatulong aniya ang magandang panahon kaya mas madaling magpalaki ng manok ngayon.

Pero ang mga importer ay nag-aalala kung saan sila kukuha ng aangkatin nila lalo na ang mga ginagamit nilang karne ng manok para sa mga pinoprosesong produkto gaya ng de lata.

May ipinatutupad kasing import ban sa 6 sa 14 na bansang umaangkat ang Pilipinas dahil sa mga kaso ng avian influenza o bird flu.

Pero ayon naman sa Bureau of Animal Industry (BAI), nagpapatupad na sila ng regionalization sa pag-aangkat ng manok sa ibang bansa.

Kaya pwede paring umangkat sa isang bansa ng manok sa mga lugar nila na walang kaso ng bird flu.

Ayon sa BAI, pinag-aaralan narin nila itong gawin sa iba pang bansa para lumawak pa ang pag-aangkatan ng manok gaya sa mga bansa sa Europa.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: ,