Sa taya ng industry players, sixty centavos pero kilogram o mahigit anim na piso sa kada eleven kilogram na tangke ang posibleng itaas sa presyo ng LPG sa susunod na buwan.
Ito ay kung hindi magbabago ang trend ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Sa madalas na pagkakataon, sabay na tumataas ang presyo ng LPG at petroleum products. Subalit ayon sa Department of Energy, posible ring hindi gumalaw ang presyo ng LPG.
Isa ang LPG sa mga naapektuhan ng Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN Law. Dahil sa TRAIN Law, piso ang dagdag na presyo sa LPG kada kilogram ngayong taon. Bukod ito sa ipinapataw na increase kapag gumalaw ang presyo sa world market.
Samantala, nakatakda namang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo bukas.
Halos piso ang madadagdag sa presyo ng kada litro ng diesel, lagpas singkwenta sentimos naman sa kada litro ng gasolina at mahigit piso naman sa kerosene.
Ayon sa Department of Energy, ang dagdag-presyo sa produktong petrolyo ay dahil sa paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.
( Mon Jocson / UNTV Correspondent )