Presyo ng LPG, nagbabadya pagpasok ng 2024 — Stakeholder

by Radyo La Verdad | January 1, 2024 (Monday) | 5296

METRO MANILA – Inaasahang tataas ang presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) pagpasok ng taong 2024.

Ayon kay Regasco President Arnel Ty, ito ay dahil sa mas mataas na gastos ng pagpapadala nito na resulta ng political tensions sa red sea.

Aniya, ang $60 na dagdag sa shipping fee ay nanganga-hulugang P3.50 kada kilong pagtaas o P38.50 sa bawat 11-kilogram na tangke ng LPG.

Pinayuhan naman ng isang LPG dealer ang mga mamimili na bumili na nang maaga bago habang wala pang alerto sa nakaambang pagtaas ng presyo .

Tags: ,