Tumaas ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan sa ikaapat na pagkakataon dahil sa inaasahang pagbaba ng oil production sa Estados Unidos (U.S.).
Nagdagdag ng $1.38 o aabot ng hanggang $53.29 kada bariles ng krudo ang naitala sa New York Mercantile Exchange para West Texas Intermediate.
Samantala aabot naman sa $58.43 kada bariles ng langis para sa Brent North Sea crude sa London exchange.
Ayon naman sa U.S. Department of Energy, inaasahan ang pagbaba ng oil production ng America na aabot lamang sa 57,000 barrels kada araw para sa buwan ng Mayo.
Tags: oil price hike. Brent crude, U.S. Department of Energy, West Intermediary