MANILA, Philippines – Aabot ng mahigit P2 kada litro na dagdag singil sa presyo ng langis ang posibleng ipatupad ng mga oil companies ngayong Linggo.
Kapag natuloy, ito na ang ika-2 Linggo na nagkaroon ng dagdag singil sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya.
Ayon sa mga industry player mahigit P2 kada litro ang madadagdag sa presyo ng gasolina at mahigit P1 naman sa presyo ng Diesel at Kerosene.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang Bigtime Oil Price Hike ay bunsod ng nangyaring pagpapasabog sa dalawang malaking oil facility sa Saudi Arabia .
Ito ang siyang humila pataas sa presyo ng langis dahil sa pangamba na magkaroon ng supply shortage .
sa isang pahayag, sinabi ni DOE Secretary Alfonso Cusi na walang masyadong dapat ipagalala ang mga consumer dahil maibabalik agad sa normal ng Saudi Arabia ang supply ng langis.
Tiniyak ng DOE na may sapat pang suplay ng langis ang mga oil company sa bansa na kakasya pa sa loob ng 30 araw.
Nakahanda naman ang DOE na irekomendang suspindihin ang excise tax sa langis sakaling magtuloy tuloy ang pagtaas sa presyo nito dahil sa nangyaring insidente.
Samantala, nakaambang tumaas ng hanggang P1 ang presyo ng ilang brand ng ilang bilihin, ayon Sa Department Of Trade And Industry o DTI.
Maglalabas ang DTI bago mag-Setyembre 25 ng listahan ng bagong Suggested Retail Price (SRP), kung saan may pagtaas sa presyo ng ilang brand ng sardinas, gatas, kape at instant noodles.
(Mon Jocson | UNTV News)
Tags: DTI, taas-presyo