Presyo ng karneng baboy, pinababantayan ng 1 Consumer Group kaugnay ng isyu sa African swine fever

by Erika Endraca | May 30, 2019 (Thursday) | 12427

Manila, Philippines – Pinababantayan ng  Laban Konsyumer group ang presyo ng karneng baboy at processed pork matapos maragdagan ang bilang ng mga bansang bawal munang pag-angkatan nito dahil sa pangamba sa pagkalat ng african swine fever virus sa bansa.

“Sa dti naman, at saka department of agriculture, magmonitor tayo ng presyo. Makita po natin kung tumataas at makita natin kung may makikinabang dito sa takot at isyu na ito.”ani Laban Konsyumer President Vic Dimagiba.

Sa utos ng Food and Drug Administration (FDA), ipinarerecall na ang processed pork mula sa mga bansang apektado ng african swine fever matapos maglabas ng serye ng memorandum ang agriculture department.

Pero ayon sa laban konsyumer, ang mga importers din ang may tungkulin sa pag-aanunsyo sa publiko kung saan dapat bumili ng mga karneng baboy

“In fact sa consumer act saka sa food safety act may karapatan ang food and drug administration mag isyu ng recall then mag conduct ng quick hearing whether to continue their recall on a permanent basis or to lift it” ani Laban Konsyumer President Vic Dimagiba.

Ang Bureau of Animal Industry naman ay patuloy ang kanilang regulasyon sa pamamagitan ng pre boarder measures at hindi makakapasok ang mga produktong mula sa mga bansang apektado ng swine fever.

“Ang pinakarecent na na-ban is hongkong. Iyong nagkaroon sila ng case two or three weeks ago. Wala pa nga lang kaming copy ng memo. I believe it’s with the secretary’s office. Ang kagandahan naman sa bai once banned sya sa da level, lahat ng meat and pork products banned na siya.” ani Bureau of Animal Industry Dr. Joy Lagayan.

“Bantayan po nila iyong local hog industry. Wag din tayo pasisiguro na 100% swine african flu (fever) free iyan pag tinamaan ang industriya ng lokal tama din talaga ang bulsa ng mga konsyumer.” ani Laban Konsyumer President Vic Dimagiba.

(Mai Bermudez | Untv News)

Tags: , , ,