Presyo ng karneng baboy, nakaamba ang pagtaas

by Radyo La Verdad | September 22, 2022 (Thursday) | 7790

Nakaamba na ang pagtaas sa presyo ng karne ng baboy bago matapos ang taon.

Sa pagtaya ng Presidente ng Meat Importers and Traders Association, maaaring umabot ng hanggang bente pesos (P20) ang itataas sa magiging presyo ng imported na karne ng baboy.

Ayon kay Jess Cham, apektado rin sila ng pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar at mataas din ngayon ang demand ng baboy sa world market.

Hihilingin ng grupo sa pamahalaan na panatilihin sana ang mababang taripa para patuloy silang makapag-angkat.

“Kapag ang tariff natin magiging 30% then 30% ang challenge, ang hurdle natin then we cannot compete. Ang mangyayari po we will not be able to buy,” pahayag ni Meat Importers and Traders Association President Jess Cham.

Tags: ,