Presyo ng itlog, posibleng tumaas ngayong holiday season kasunod ng nangyaring bird flu outbreak

by Radyo La Verdad | September 6, 2017 (Wednesday) | 4246

Bukod sa mga manukan, umaaray din ang mga supplier at distributor ng mga itlog matapos ang nangyaring avian flu outbreak. Anila marami sa mga naiproduce na itlog sa Luzon ang nabulok na lamang dahil sa umiral na ban sa pagbiyahe ng mga ito. Napilitan ang marami sa kanila na ibenta na lang ang mga ito ng mas mura sa puhunan.

Umaasa naman ang poultry farm owners at egg producers na makakabawi sila mula sa sinapit na pagkalugi habang papalapit na ang holiday season.

Subalit posible namang tumaas ang presyo ng itlog sa merkado sa ilang lugar ngayong holiday season dahil sa kakulangan ng suplay. Anila aabutin pa ng apat na buwan ang prokusyon nito.

 

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,