METRO MANILA – Tumaas ng P8 ang presyo ng imported na well milled rice base sa monitoring ng Department of Agriculture sa mga palengke sa Metro Manila.
Ayon sa Federation of Free Farmers, patuloy na tumataas ang presyo ng imported rice.
Ito ngayon ang pinaka nakikitang dahilan ng grupo ng mga magsasaka kung bakit tumataas ang presyo ng palay.
Umaasa si Federation of Free Farmers National Manager Raul Montemayor na hindi mangyari na magkaubusan ng bigas sa international market dahil may mga bansa na naghahanda sa El Niño at iba pang contingencies kung saan namimili na ng malalaking volume sa international market ngayon ang mga bansang hindi dating bumibili.
Samantala, binigyang diin naman ng Department of Agriculture (DA) na hindi dapat na tumaas ang presyo ng lokal na bigas dahil marami ang nabiling palay sa mababang halaga.