Presyo ng ilang pangunahing bilihin, tumaas – DTI

by Radyo La Verdad | February 18, 2019 (Monday) | 12849

MANILA, Philippines – Tumaas ang presyo ng bilihin ayon sa kalalabas lamang na bagong listahan ng SRP (Suggested Retail Price) ng Department of Trade and Industry (DTI).

Halos lahat ng uri ng gatas ay tumaas ng 50 centavos hanggang P1.25.Kabilang dito ang condensed milk (condensada), evaporated milk (evaporada) at powdered milk.

Isang kilalang brand naman ng gatas ang nagtaas ng mahigit anim na piso mula sa dating presyo nito na P57.

Nagsitaasan rin ng presyo ang ilang brand ng sardinas, mula 40 centavos hanggang P1.75.

Tumaas rin ang mga iodized salt ng 50 centavos hanggang mahigit dalawang piso.

Isang brand rin ng sabon ang nagtaas ng 75 centavos sa presyo.

Samantala, wala namang paggalaw sa presyo ng 3 in 1 coffee, tinapay, instant noodles, bottled water, kandila, toilet soap at baterya.

Ayon sa Department of Trade and Industry, nakiusap ang mga manufacturer ng mga naturang produkto na magtaas ng presyo dahil sa pagtaas rin raw ng materials na ginagamit nila.

(Mon Jocson | UNTV News)

Tags: , , ,