METRO MANIA – Humiling na ng taas presyo sa Department of Trade and Industry (DTI) ang ilang manufacturers ng mga pangunahing bilihin.
Ito ay kasunod parin ng nagpapatuloy na oil price hike na nagpapataas rin sa presyo ng raw materials.
Ayon kay Steven Cua, Presidente ng PH Amalgamated Supermarket Association, pagpasok pa lamang ng buwan ng Marso may mga manufacturer na nagtaas ng presyo sa mga pangunahin produkto.
Posible aniyang aabot ng hanggang 6% ang itataas ng presyo ng basic commodities sa mga susunod na araw dahil may ilan pang manufacturer ang humirit ng taas presyo.
“Mayroong mga imported items more than 10% pero hindi naman essential yun, yung iba essential it’s about 2 to 6% yan ang average percent yung basic and mga priority items na binibili natin pang araw-araw. There are around 15,000 items which has the supermarket na iba’t ibang kategorya at iba’t ibang presyo din, may non-essentials maaaring mas malaki ang itinaas and essentials na hindi masyadong malaki ang itinaas.” ani Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PAGASA) President, Steven Cua.
Aniya, pangunahing mararamdaman ang pagtaas ng presyo sa mga produkto gaya ng kape, gatas, yogurt, canned goods at iba pang prime commodities.
“Mga kategoryang tumaas halo-halo, may kape, morning beverage, mayroong gatas ng bata, sardinas isang brand lang, gatas fresh milk dalawang brand may yogurt, sari-sari for different reasons I’m sure.” ani Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PAGASA) President, Steven Cua.
(Janice Ingente | UNTV News)