Presyo ng ilang highland vegetables, nananatiling mataas dahil sa tuloy-tuloy na mga pag-ulan

by Radyo La Verdad | September 11, 2023 (Monday) | 409

METRO MANILA – Nananatiling mataas ang presyo ng gulay sa Baguio City at sa La Trinidad trading post. 

Tumaas ng P20-P30 ang ilang mga highland vegetables dahil sa walang tigil na mga pag-uulan simula pa ito sa nagdaang Super Typhoon Egay.

Ang wholesale price ng patatas na dating P80-P90 kada kilo ngayon nasa P110-P120, ang sayote na dating nabibili ng P20-P30 kada kilo ngayon nasa P70 per kilo bahagya itong bumaba dahil last week ay umabot sa P100-P110 ang per kilo ng sayote.

Ang Womboc na dating P70 kada kilo ngayon nasa P80-P90 na. Ang repolyo na dating P60 kada kilo tumaas ng P90.

Tumaas din ang baguio beans na dating P100 ngayon P150 na kada kilo. Ang kamatis nananatiling mataas din P130 per kilo.

Samantala tumaas din ng P20 ang per kilo ng isda ang bangus na dating P220 ngayon nasa P240 na 

Maging ang tilapia na dating P160 ngayon P170 na. Ang manok naman ay hindi nagbago P200 per kilo pa rin. Ang  per kilo ng karne ng baboy ay ganun pa rin nasa P280-P300 kada kilo.

Ayon sa mga dealers at mga farmers hindi muna sila nagdedeliver sa mga malalayong lugar gaya ng Metro Manila dahil sa kakaunti ang supply maliban dito ay mataas din ang presyo ng highland vegetable.

Isa sa dahilan ay ang walang tigil na mga pag-ulan, ang ilan naman ay nasira ang tanim nilang mga gulay dahil sa mga nagdaang mga bagyo.

(Grace Flores | UNTV News)

Tags: