Halos dumoble ang presyo ngayon ng ilang mga gulay matapos na tumama sa bansa ang dalawang magkasunod na malalakas na bagyo, partikular na sa bahagi ng Northern Luzon, na pangunahing lugar na pinagkukunan ng mga pananim.
Ang patatas na dating sixty pesos kada kilo, ngayon ay nasa 100 pesos na.
Gayundin ang carrots na dating nasa singkwenta pesos lang.
Tumaas naman ng nasa 15 hanggang 25 pesos ang presyo ng repolyo, sayote, baguio beans, talong, ampalaya at cauli flower.
Nagtaas rin ang presyo ng calamansi, kung dati nasa kinse pesos lamang ang kada kilo, ngayon ay nasa trenta pesos na ito.
Sa Nepa Q-Mart, mas mataas naman ng bente pesos ang presyo ng ilang mga gulay kung ikukumpara sa Balinatawak Market.
Daing ng ilang mga tindera, sa ngayon ay nahihirapan sila na makapag-angkat ng gulay mula sa mga probinsya dahil sa kakaunting suplay.
At dahil mahal ang bilihin, ilan sa ating mga kababayan ang napipilitang magtipid sa budget.
Sa ngayon ay ina-assess pa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang kabuuang halaga ng pinasalang iniwan ng bagyo sa sektor ng agrikultura.
(Joan Nano / UNTV Correspondent)
Tags: Presyo ng ilang gulay, Supertyphoon Lawin, tumaas dahil sa pananalasa