Bumaba ang presyo ng ilang mga gulay sa Balintawak Market sa Quezon City ngayong araw.
Ang brocolli na dating 200 piso kada kilo ay 110 piso na lamang. Ang sayote na karaniwang P30 kada kilo ay P25 kada kilo na lang.
P50 na lang din ang kilo ng cabbage mula sa karaniwang presyo nito na P70 kada kilo.
Habang ang cauliflower naman ay P140 kada kilo mula sa p180 per kilo sa mga normal na araw. Baguio beans ay 40 piso mula sa dating 50 piso kada kilo.
Samantala, tumaas naman ng 25 hanggang 35 piso kada kilo ang presyo ng sibuyas at kamatis. Wala namang paggalaw sa presyo ng bawang.
Ang mga gulay na bumaba ang presyo ay dahil sa pagdami ng suplay dahil inani na agad ng ilang magsasaka ang kanilang mga pananim bago pa masira dulot ng mga pag-ulan.
Tags: Balintawak Market, gulay, Quezon City