Presyo ng gulay sa Metro Manila, patuloy na tumataas

by Radyo La Verdad | October 4, 2022 (Tuesday) | 28132

METRO MANILA – Patuloy pa ring tumataas ang presyo ng gulay sa ilang pamilihan sa Metro Manila bunsod ng pananalasa ng bagyong Karding.

Ayon sa mga nagtitinda, nagsimula tumaas ang presyo ng gulay matapos salantain ng bagyo.

Karamihan kasi umano ng mga gulay na ibinabagsak sa Metro Manila ay mula Nueva Ecija, Bulacan, at Quezon Province.

Inaasahan ng mga nagtitinda na hanggang sa susunod na Linggo pa ang ganitong sitwasyon habang wala pang naaani ang mga magsasaka.

Dahil sa taas ng presyo ng gulay, umaaray rin ang mga nagtitinda dahil sa tumal ng bentahan.

Sa huling datos ng Department of Agriculture, pumalo na sa P3.12-B ang halaga ng pinsala ng bagyong Karding sa agrikultura.

Nangako na ang ahensya ng mga punlang ipamimigay sa mga magsasaka bilang tulong.

Tags: , ,