Presyo ng gulay, posibleng tumaas dahil sa oil price hike at dagdag singil sa toll sa NLEX

by Radyo La Verdad | June 13, 2023 (Tuesday) | 4308

METRO MANILA – Nakikitang madadagdag ng P0.50 – P0.60 ang gastos sa transportasyon sa bawat 50 kilo ng mga produktong agrikultura ayon sa Samahang Industriya ng Agrikulutra (SINAG).

Bunsod ito ng taas singil sa North Luzon Express Way simula June 15.

Pero hindi naman nakikita ng SINAG na magkakaroon ito ng malaking epekto sa pagbyahe ng mga produkto.

Ayon naman sa Department of Agriculture (DA), hindi dapat magkaroon ng malaking paggalaw sa presyo ng produktong agrikultura.

Samantala, may ilang gulay naman na bahagyang tumaas ang presyo. Isa na dito ang repolyo na nagkaron ng P3-P7 dagdag sa kada kilo.

Ayon sa DA, isa ang panahon kung bakit bahagyan gumalaw ang presyo ng ilang gulay na itinatanim sa matataas na lugar.

Inaasahan naman ng DA na sa mga susunod na araw ay muling bababa ang presyo kapag bumuti na ang panahon.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: