Presyo ng Galunggong, posibleng tumaas dahil sa pansamantalang pagbabawal ng panghuhuli nito sa Palawan

by Radyo La Verdad | November 5, 2015 (Thursday) | 2611

REY_GALUNGGONG
Nanganganib na mangaunti ang supply ng Galunggong sa mercado sa Metro Manila dahil sa posibleng pagbabawal ng commercial fishing nito sa Palawan.

Ayon sa Department of Agriculture, naabuso ang pangisdaan sa Palawan na siyang dahilan kung bakit nangaunti ang bilang nito sa ngayon.

Mula November 15 hanggang February 15 sa susunod na taon ay bawal muna ang mga malalaking pangisda o commercial fishing sa Palawan.

Sa loob ng 3 buwan ay inaasahang makapangingitlog ng marami at magiging doble ang bilang ng mga Galunggong sa lugar.

Nilinaw naman ng DA na commerial fishing lang ang ipagbabawal at maaari paring manghuli ang mga maliliit na mangingisda.

Ayon sa BFAR nasa 90% ng supply ng galunggong na ibinabagsak sa Navotas fish port ay galing sa Palawan kaya’t ginagawan na nila ng paraan upang hindi gaanong tumaas ang presyo nito sa merkado.

Kapag natapos na ang fishing ban sa Pebrero ay inaasahang mababawas narin maging ang inaangkat na galunggong na ginagamit sa paggawa ng sardinas.
Sa Nepa-Qmart ay stable parin ang presyo ng Galunggong sa halagang P130 kada kilo.(Rey Pelayo/UNTV Correspondent)

Tags: ,