Hindi pa rin napababa ng pagdating ng NFA rice sa mga pamilihan ang presyo ng commercial rice. Sa Kamuning Market, nasa P2 ang itinaas ng kada kilo nito.
Ayon sa retailer na si Aling Crisencia, tumataas talaga ang presyo ng bigas kapag ganitong lean month o panahon ng pagtatanim ng palay, subalit mas mataas ngayon. Sakto naman aniya dahil mula noong Lunes ay may dumating naring NFA rice na mas maganda ang klase.
Nasa P32 ang kada kilo nito na kapareho ang kalidad ng commercial rice na P45 kada kilo. Ang mas mababang presyo naman ng NFA rice ay nasa p27 ang kada kilo.
Inaasahan ni Aling Crisencia na sa Oktubre ay bababa na ang presyo ng bigas.
Subalit para sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), hindi madaling pababain ang presyo ng bigas ngayon. Isa sa itinuturong dahilan ng mataas ng presyo ng bigas ngayon ay ang pagbaba ng kabuoang imbak nito sa bansa.
( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )
Tags: Kamuning Market, NFA rice, SINAG