Presyo ng bigas, inaasahang bababa na sa susunod na mga Linggo – DA

by Radyo La Verdad | September 11, 2023 (Monday) | 3265

METRO MANILA – Inaasahang bababa na ang presyo ng bigas sa mga susunod na Linggo.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), dahil ito sa mahigit 5 milyong metrikong tonelada ng palay, na aanihin ngayong buwan ng Setyembre at Oktubre.

Pagtataya pa ng DA, aabot sa 11 milyong metrikong tonelada ng palay ang aanihin ng bansa sa ikalawang bahagi ng taon.

At upang mas mapalakas pa anila ang produksyon ng bigas hanggang sa susunod na taon, patuloy na susuportahan ng pamahalaan ang mga magsasaka ng palay, sa pamamagitan ng pamamahagi ng binhi at pataba.

Gayundin pagdating sa pinansiyal at pagbenta ng kanilang ani sa merkado.

Sa ngayon ipinatutupad ang P41 na price cap sa regular-milled rice at P45 para sa well-milled rice upang makontrol ang presyo ng bigas at hindi mabigatan ang mamimili.

Habang, binibigyan naman ng subsidiya ang mga rice retailer na apektado upang hindi malugi.

Tags: