Presyo ng bigas, hindi bababa kahit maisabatas ang rice tariffication – rice retailers group

by Jeck Deocampo | December 25, 2018 (Tuesday) | 9077

METRO MANILA, Philippines – Duda ang ilang rice retailers group na bababa ang presyo ng bigas sa merkado kapag naisabatas na ang Rice Tarification Bill.

Base sa pagtataya ng mga mambabatas na nagsulong ng panukalang batas, ₱4 hanggang ₱7 kada kilo ang maaaring mabawas sa kasalukuyang halaga ng commercial rice.

Ngunit ayon sa Alyansa ng Industriyang Bigas, inaasahang tataas pa ang presyo ng produktong petrolyo dahil sa dagdag na ₱2 kada litro sa excise tax sa diesel at gasoline simula sa unang araw ng Enero sa ilalim ng Train Law.

“Pag-transport mo ng bigas, island to island. We need fuel, so apektado rin kami. So, ang mangyayari niyan add-on cost namin ‘yan,” ani Robert Hernandez, chairman ng Alyansa ng Industriyang Bigas,

Una nang iginiit ng ilang senador na mananatili pa rin ang murang bigas sa merkado kahit naisabatas na ang Rice Tariffication Bill. Dadami anila ang supply nito kapag pinayagan na ang pribadong sektor na makapag-angkat ng bigas sa ilalim ng panukalang batas.

Tags: ,