Bahagyang bumaba ang presyo ng commerial rice sa mga pamilihan ayon sa National Food Authority (NFA).
Sa pagiikot ng NFA sa iba’t-ibang lugar sa bansa, bumaba ng nasa dalawang piso ang kada kilo ng bigas. Sa Q-mart, Quezon City, nasa P36 ang pinakamababang commecial rice samantalang nanatili sa P32 ang kada kilo ng well milled rice ng NFA.
Iniuugnay ito ng ahensya sa maayos na distribusyon ng NFA rice sa merkado at sa mababang bilihan ng palay sa mga magsasaka.
Kada araw ay kumukunsumo ng halos apat na milyong kilo ng NFA rice ang buong bansa. Nasa tatlumpu’t isang milyong kilong bigas naman ang kabuoang demand ng Pilipinas sa loob ng isang araw.
Ayon sa NFA, sa unang bahagi ng taon pa lamang ay umangkat na ng limang daang libong metriko tonelada ng bigas ang bansa mula sa Thailand at Vietnam. Maari pang madagdagan ito depende sa magiging ani sa ikatlong bahagi ng taon.