Presyo ng basic goods hindi magtataas – DTI

by Radyo La Verdad | October 5, 2023 (Thursday) | 3753

METRO MANILA – Hindi magaapruba ng pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin hanggang sa katapusan ng taon ang Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay DTI Director Marcus Valdez, walang dahilan para tumaas ang presyo ng mga bilihin ngayong darating na holiday season.

Ibig sabihin maghihintay pa ng susunod na taon ang mga manufacturers ng canned goods at iba pang pangunahing bilihin na may Suggested Retail Price (SRP) para umapela ng adjustment sa halaga ng kanilang produkto.

Ang mga holiday staples naman na walang SRP ay maaaring magtaas ng presyo ng walang pahintulot mula sa pamahalaan.

Ang mga inaasahang magtaas ng halaga ay ham, imported cheese at pasta products.

Tags: ,