Posibleng tumaas ang presyo ng puting asukal sa mga pamilihan ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA).
Ayon sa SRA, napipinto ang pagtaas ng presyo ng asukal oras na ipataw ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 12% value added tax sa raw sugar sa darating na Mayo.
Sa pagtaya ng Department of Trade and Industry (DTI), halos P4.00 ang madadagdag sa presyo ng asukal dahil sa VAT.
Pero nilinaw naman ng DTI na pag-aaralan pa nila kung magkano ang ipatutupad na dagdag presyo sa kada kilo ng puting asukal na kasalukuyan ay nasa P50.00.
Tags: asukal, Bureau of Internal Revenue, refined sugar, Sugar Regulatory Administration, white sugar