Presyo ng asukal, hindi parin bumababa sa kabila ng dagdag na lokal na produksyon at  importasyon

by Radyo La Verdad | November 11, 2022 (Friday) | 5044

METRO MANILA – Halos hindi parin bumababa ang presyo ng asukal sa kabila ng pag-uumpisa ng lokal na produksyon sa bansa at pagdating ng mga inangkat ng Pilipinas.

Base sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA), nasa P100 parin ang presyo ng kada kilo ng refined o puting asukal.

Bahagya lamang itong mataas kumpara naman sa presyo ng washed at brown sugar na nasa P90 ang kada kilo.

Sa pagpasok ng Setyembre ay nasa P70 at P75 lamang ang presyo ng mga ito.

Sa ngayon ay pinag-aaralan parin ng Department of Agriculture kung magkano ang ilalagay na Suggested Retail Price (SRP) sa asukal.

Una ng sinabi ng United Sugar Producers Federation na naapektuhan ang kanilang mga plantasyon ng tubo ng bagyong Paeng.

Tags: ,