Presumptive President Duterte pinayuhang pumili ng mga professional sa kanyang gabinete

by Radyo La Verdad | May 20, 2016 (Friday) | 2346

BRIONES
Malaking hamon para sa susunod na administrasyon ang mamanahing responsibilidad sa pagpapatakbo ng bansa.

Kaya naman ang payo ng dating national treasurer at convenor ng Social Watch Philippine na si Prof. Leonor Briones kay Presumptive President Rodrigo Duterte, pumili ng may karanasan at propesyunal nailalagay sa kanyang gabinete.

Dapat din aniyang tiyakin ng Duterte administrasyon na ang mga personalidad na kanilang ilalagay ay papasasa Commission on Appointments.

Sinabi pa ni Prof Briones na maaaring ikonsidera ni Duterte ang mga kasalukuyang miyembro ng gabinete ni Pangulong Aquino na naging mahusay sa pamamalakad sa departamentog kanilang hinawakan.

Samantala, wala namang nakikitang mali si Briones kung ia-appoint ni Duterte ang miyembro ng Communist People of the Philippines.

Subalit dapat muna aniyang bigyan sila ng amnesty ng pamahalaan at mangako na handing sumunod sa mga batas at panuntunan ng gobyerno.

Paliwanag ni Briones ilang nagdaang presidente na ang naglagay ng mga communist people sa gobyerno na naging epektibo sa tungkulin at nagpatupad ng batas.

Subalit ang grupo ng mga benepisyaryo ng pantawid pamilyang pilipino program o 4p’s ay tutol sa paglalagay ng mga kumonista sa pamahalaan lalo na sa dswd sa pangambang ipatigil ang programa.

(Grace Casin/UNTV NEWS)

Tags: