Presidential Peace Adviser Sec. Dureza, inirerekomenda kay Pangulong Duterte na ideretso na sa kongreso ang panukalang Bangsamoro Basic Law

by Radyo La Verdad | July 11, 2017 (Tuesday) | 2901


Presidential Peace Adviser Sec. Dureza, inirerekomenda kay Pangulong duterte na ideretso na sa kongreso ang panukalang Bangsamoro Basic Law

Itinakda sa Hulyo a-disisyete ang pagsusumite ng Bangsamoro Transition Commission kay Pangulong Rodrigo Duterte ng draft ng panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL sa Malakanyang.

Ang BBL ang magiging batayan ng itatag na Bangsamoro entity na ipapalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao at magtatakda ng maayos na paghahati-hati ng yaman, kapangyarihan ng gobyerno at ng bangsamoro at tapusin ang ilang dekadang kaguluhan sa Mindanao.

Kung si Presidential Peace Adviser Secretary Jesus Dureza ang tatanungin, inirerekomenda niyang ideretso na ni Pangulong Duterte ang endorsement ng BBL sa Kongreso at wag nang sumailalim sa review ng opisina ng punong ehekutibo.

Gayunman, nasa desisyon pa rin ni Pangulong Duterte kung nais niya munang pag-aralan ang panukalang batas.

Subalit katuwiran ng kalihim, ang kongreso ang may responsibilidad na pag-aralan at usisain ang naturang panukalang batas.

Samantala, inaasahan naman ang convergence ng Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front sa usapin ng itatag na Bangsamoro entity sa deliberasyon ng kongreso sa proposed BBL.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,