Presidential debates, hindi dapat ipagwalang bahala ng publiko – SP Drilon

by Radyo La Verdad | February 15, 2016 (Monday) | 1098

DRILON
Kanilang magbantay ang publiko sa February 21 presidential debate ayon kay Senate President Franklin Drilon.

Aniya dapat malaman ng mga botante ang plataporma at programa ng mga kakandidato lalo na ang susunod na magiging pangulo ng bansa.

Sa Cagayan De Oro isasagawa ang unang presidential debate na inorganisa ng COMELEC, kapisanan ng mga broadkaster ng Pilipinas at media organizations.

Ayon kay Senador Drilon dapat marinig ang magiging sagot ng presidential candidate kung papaano nito ipagpapatuloy ang programa ng administrasyon na sinimulan sa nakalipas na anim na taon.

Inaasahang mapakikinggan ng mga botante kung papaano ang solusyon ng isang kandidato sa iba’t ibang issues tulad ng kurapsyon, kahirapan, political dynasties, trabaho at reporma sa buwis.

Magsisilbing gabay rin ito sa magiging outcome ng eleksyon sa Mayo.

Ayon sa COMELEC ang debate ay iikot sa apat na paksa gaya ng development, peace and order, track record, constitution and Mindanao issue.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: ,