Halos tabla sa unang pwesto sina Senator Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa panibagong resulta ng survey na inilabas ng Pulse Asia.
Sa apat na libong respondents na tinanong kung sino ang kanilang ibiboto kung ngayon gaganapin ang eleksyon, 26% ang nakuha ni Poe samantalang 25% naman kay Duterte.
Dikit din ang nakuhang resulta ng survey para kina Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 22% samantalang ang pambato ng administrasyon na si Mar Roxas ay nakakuha ng 20%.
Si Senator Miriam Defensor Santiago ay nakakuha lamang ng 3 % at ang pumanaw na si OFW Partylist Representative Roy Señeres ay nakakuha ng 0.1 %.
Isinagawa ang survey na kinomisyon ng isang media outlet mula March 8 hanggang 13 at ginamitan ng plus minus 1.5 percent na margin of error.
Ito rin ang kauna-unahang Pulse Asia Survey simula nang ibasura ng Supreme Court ang disqualification cases laban kay Senator Grace Poe.
(Meryll Lopez / UNTV Radio Correspondent)
Tags: Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Presidential candidates Senator Grace Poe, Pulse Asia survey