Presidente ng Taiwan idinipensa ang pagbisita sa isang isla sa West Philippine Sea

by Radyo La Verdad | January 29, 2016 (Friday) | 1175
Taiwan President Ma Ying-Jeou(REUTERS)

Taiwan President Ma Ying-Jeou(REUTERS)

Idinepensa ni Taiwan President Ma Ying-Jeou ang ginawang pagbisita sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea kahapon.

Ayon sa presidential offfice ang pagtungo ni Ma sa Itu Aba o Ligao Island ay para dalawin ang Taiwanese Personnel sa isla bago ang Lunar New Year.

Nabatid na binatikos din ng Pilipinas at Vietnam ang pagdalaw ng Taiwan President sa pinag-aagawang teritoryo.

Nanawagan naman si Ma sa iba pang bansang umaangkin sa isla na isantabi ito at sa halip magkaroon na lamang ng joint exploration.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , ,