Posibleng dumalo ng 23rd Asia Pacific Economic Leaders’ Meeting sa Pilipinas ang Presidente ng China sa darating na Nobyembre.
Base sa ulat, nagpadala na ng letter si Pangulong Benigno Aquino III na iniimbitahan si President Xi Jinping na dumalo sa Economic Leaders’ Meeting.
Ang APEC ay ang pinaka influential forum para sa economic cooperation at trade sa Asia-Pacific Region sa mataas na lebel.
Matatandaang ang China ang naghost noong nakaraang 22nd APEC Economic Leaders’ Meeting na naganap sa Beijing.
Sa ngayon inaasahan sa taong ito na magfofocusnang ang APEC sa economic cooperation, trade at gagawa ng panibagong kontribusyon sa regional economic cooperation.(Ara Mae Dungo/UNTV Radio Correspondent)
Tags: Asia Pacific Economic Leaders' Meeting, Nobyembre, Presidente ng China