Presidente ng China, kinukunsidera ang pagdalo sa APEC Economic Leaders Meeting sa Pilipinas sa Nobyembre

by Radyo La Verdad | October 28, 2015 (Wednesday) | 2395

LU-KANG
Kinumpirma ng Chinese Foreign Ministry Spokesperson na si Lu Kang na kinukunsidera ni Chinese President Xi Jinping na paunlakan ang imbitasyon ni Pangulong Benigno Aquino the third na dumalo sa ika-23 APEC Economic Leaders Meeting sa Maynila sa Nobyembre.

Ayon sa pahayag ng Foreign Ministry Spokesperson, ito ay sa dahil ang pinakamaimpluwensyang talakayan para sa Economic Cooperation at kalakalan ang APEC.

China ang nag-host huling APEC Economic leaders meeting na ginawa naman sa Beijing.

inaasahan naman ng china na sesentro sa prinsipyo ng ibayong pagpapatatag sa economic cooperation at trade ang isasagawang regional economic forum sa Pilipinas.

Samantala, nagprotesta ang China sa ginawang paglalayag ng destroyer USS Lassen sa 12-nautical-mile territory nito sa west philippine sea o south china sea.

ayon sa state news agency ng china, ipinaabot ni Vice Foreign Minister Zhang Yesui kay U.S. Ambassador Max Baucus ang protesta.

Tinawag ni Zhang na iresponsable ang ginawa ng barkong pandigma ng Amerika nang magkaharap ang mga ito.

Sinabi naman ni Foreign Minister Wang Yi na nilabag ng Amerika ang sovereignity at karapatan ng China sa mga artificial
island dahil sa hindi nito pagpapaalam sa Chinese government.

Ang USS Lassen kasama ang P-8A Poseidon at P-3 surveillance aircraft ng Amerika ay nagpatrolya sa layong 12 nautical miles sa reclamation ng China sa Subi at Mischief reefs sa Spratly Islands.

Iginiit naman ng Amerika na ang pagpadala nila ng barko at eroplanong pandigma kahapon sa reclamation ng China ay bahagi ng misyon ng Amerika na panatilihing malaya ang international waters sa harap ng sobra-sobrang maritime claims ng Beijing.

Ipinahayag naman ng tagapagsalita ng Department of National Defense ng Pilipinas na positibo ang ginawang hakbang ng Amerika upang maipakita ang freedom of navigation sa West Philippine Sea. ( Rosalie Coz / UNTV News )

Tags: , , ,