Isa-isang kinamusta ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalong naka-confine sa Metro Davao Medical and Research Center Sa Davao City.
Kasabay nito ang paggawad ng pangulo ng parangal sa mga sundalo ng Order of Lapu-Lapu with the rank of Kampilan.
Ang mga ito ay nasugatan dahil sa pakikipagbakbakan sa New People’s Army (NPA) sa Compostella Valley Province at Surigao del Sur.
Maliban sa paggawad ng medalya, binigyan din ng punong ehekutibo ng cash assistance ang mga sundalo na ngakakahalaga ng P100,000, gun certificate at cellphone.
Labis namang ikinatuwa ng mga sundalo ang pagbisita sa kanila ng pangulo.
Si Corporal Keith Domingo ay kasama sa mga inambush ng mga npa habang nag-rerecon sa baranggay sa Laak, Compostella Valley Province.
Habang si Inovejas naman ay nasugatan sa pagsabog ng isang landmine na tinanim umano ng mga npa habang nagpapatrolya sa Mabini, Compostella Valley.
Sa kabila ng nangyari, sinabi ng mga sundalo sa pangulo na babalik sila sa serbisyo sa oras na gumaling at makalabas ng ospital.
( Dianne Ventura / UNTV Correspondent )
Tags: Davao City, pinarangalan, sugatang sundalo