METRO MANILA – Matapos ang bilangan ng mga boto sa pagkapangulo at pangalawang pangulo ng kongreso na tumatayong National Board of Canvassers, naiproklama na bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas si dating senador Ferdinand Bongbong Marcos Junior.
Kasabay na ipinoroklama ang kaniyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Nakakuha si Marcos Junior ng 31, 629, 783 votes samantalang si Duterte-Carpio ay 32,208, 417 votes.
Inabot lamang ng halos 2 araw ang canvassing ng mga boto para sa presidential at vice presidential race.
Ayon kay Senate Majority Floor Leader Senator Migz Zubiri, makasaysayan ang naganap na eleksyon.
Nagpasalamat naman si President-elect Marcos Junior sa mga Pilipino na nagtiwala sa kaniya at humiling rin siya ng panalangin.
“I am inspired by responsibility have given me, so I ask you all pray for me, wish me well, I want to do well because the president does well, the country does well and I want to do well to this country.” ani President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
(Nel Maribojoc | UNTV News)