Noong April 22, 2016 sa panahon ng Adminstrasyong Ninoy Aquino, lumagda ang Pilipinas sa makasaysayang Paris Agreement on Climate Change.
Dito nangako ang Pilipinas na babawasan nito ang carbon emission ng 70 percent hanggang sa taong 2030 sa tulong na rin ng international community.
Sa nasa isang daan pitumput walong (178) nasyon na lumagda sa agreement, sa kasalukuyan ay 19 pa lamang na mga estado ang nakapagratipika at nag-apruba ng batas ukol sa paglimita sa green house gas emission sa kanilang bansa.
Habang sa Pilipinas ay hindi pa ito naibibigay sa Senado upang maratipika.
Subalit para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang international agreement ay magiging balakid sa mga umuunlad pa lamang na bansa tulad ng Pilipinas.
Ayon naman kay Senate President Franklin Drilon ang pangulo ang nagsisilbing arkitekto ng foreign policy ng bansa, at dapat na irespeto ang posisyon ng pangulo sa isyu.
Dagdag pa ng senador, papel o trabaho ng senado na ratipikahan o pagtibayin ang isang kasunduan.
Ngunit kung ayaw ng punong ehekutibo na ipadala ito sa senado ay dapat iginagalang ng mataas na kapulungan.
(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)
Tags: pangunahing arkitekto ng foreign policy ng bansa, President Duterte, Sen. Pres. Drilon