Malapit nang matapos ang bail hearing ni Sen. Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan 5th division.
Ngayon myerkules, tinapos na ng kampo ng senador ang presentasyon ngkanilang testigo na si Jemma Saccuan, ang Section Chief ng Sergeant at Arms ng senado.
Si Saccuan ang nagsagawa ng preview sa cctv footage ng senado sa pahanong nagbibigay umano ng kumisyon mula sa pdaf scam si state witness Ruby Tuason.
Nais patunayan ng kampo ng senador na bagaman nagpupunta si Tuason sa Senado, hindi totoong nag-aabot ito ng kumisyon na nakalagay sa isang duffle bag, katulad ng kanyang sinabi noon.
Sa pagdinig, ipinakita ng testigo sa korte ang cctv footage na nais busisiin ng kampo ng prosekusyon.
Bagaman malayo, kita sa footage na ito si Tuason na galing sa vip entrance ng Senado.
Inamin ni Saccuan, na bagaman nakita sa footage si Tuason, hindi nila isinama ito sa kanilang report.
giit ng prosekusyon, bagaman wala nang dalang duffle bag si Tuason sa footage, hindi pa rin maaaring pagbasehan ng korte ang report ni saccuan dahil kulang-kulang ito at tila pinili lang.
Paliwanag naman ng kampo ng senador, kumpleto ang report ni Saccuan.
Bilang bahagi ng pagtatapos ng bail hearing, bukas inaasahang magsusumite na ng formal offer of evidence ang kampo ng senador sa bail hearing.
Matapos nito ay magkukumentaryo ang prosekusyon at saka maaari nang desisyonan ng sandiganbayan ang hiling ni Sen. Estrada na makapagpiyansa sa kasong plunder. (Joyce Balancio/UNTV News)
Tags: PDAF scam, Sen. Jinggoy Estrada