Isinusulong ngayon sa US Congress na idagdag sa 2017 budget ang mahigit one billion US dollars upang labanan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng drug abuse at overdoses sa Estados Unidos.
Sa tala ng National Institute on Drug Abuse halos 2.4 na milyong Amerikano ang nahaharap sa problema sa prescription drug addiction.
Ayon sa Center for Disease Control and Prevention o CDC, noong nakaraang taon ay mahigit apatnaput pitong libo ang nasawi sa Estados Unidos dahil sa drug overdose.
Ang opiods ay mga gamot na tumutulong upang maibsan ang sakit na nararamdaman pasyente gaya ng morphine at codeine.
Inererekomenda naman ng CDC ang prescription drug monitoring programs upang ma-identify kaagad ng mga doktor kung mahigit na ba sa kinakailangan ang ginagamit ng isang pasyente.
(UNTV RADIO)