Pres. Rodrigo Duterte, umapela muli sa Telcos na pagbutihin ang serbisyo lalo na sa darating na pasukan

by Erika Endraca | September 29, 2020 (Tuesday) | 3563

METRO MANILA – Umapelang muli si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Telecommunication companies (Telcos) sa bansa na pagbutihin ang serbisyo lalo na’t magbubukas na ang klase sa susunod na Linggo .

“I just appeal to yung mga telecommunications who, can you do a better job? Is there life after this kind of service that you are delivering to the public? Kasi kung kaya ko lang magisang salita nandiyan na agad, matagal na itong matapos itong problema ng Pilipinas”. ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Aminado naman ang pangulo na hamon din sa pagpapalawig at improvement ng serbisyo ng mga telcos ang matagal na prosesong kinakailangan nilang pagdaanan sa mga lokal na pamahalaan.

Una nang nanawagan ang pangulo sa mga LGUs at ahensya ng pamahalaan na bilisan ang pagproseso sa mga permit para sa pagtatayo ng mga tower sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Ang karamihan, walang service dito, walang service duon, because of the absence of the tower, they are not allowed to build or directed or itong walang kapasidad itong telcos to invest more” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: