METRO MANILA – Ilang minuto na lamang ang natitira kahapon (November 15, 2021) bago ang pagsasara ng last day ng substitution at withdrawal ng kandidato sa 2022 elections.
Naghain ng kaniyang kandidatura at nag substitute si Pangulong Rodrigo Duterte kay Mona Liza Visorde ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).
Ang pumunta sa Commission on Elections (Comelec) para ihain ang kaniyang COC ay si Attorney Melchor Aranas
“The president file for senator under the PDDS ito po ang partido na inorganized at ginawa namin 2018 na kanila to continue aspirations of the president in the country, ipagpatuloy ang kaniyang mga programa” ani PDDS Founder, Greco Belgica.
Bago ito sinabi na ni kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi maglalaban sa eleksyon ang magama.
Ito ay sa gitna ng naiulat na tatakbo ring bise presidente ang pangulo.
“Ang masasabi ko lang po magmamahalan ang magamang Rodrigo Roa Duterte at mayor inday sara, hinding hindi po sila magbabanggaan hinding hindi po sila maglalabanan sa kahit anong posisyon” ani Former Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.
Si Roque ay nag substitute kahapon kay Paolo Materlino na tatakbo bilang senador sa ilalim ng Peoples Reform Party.
(Nel Maribojoc | UNTV News)
Tags: 2022 Election, Senator