Pres. Rodrigo Duterte, humingi ng paumanhin sa pagpapabakuna gamit ang COVID-19 vaccine ng Sinopharm

by Erika Endraca | May 6, 2021 (Thursday) | 1725

METRO MANILA – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na desisyon ng kaniyang doktor ang pagpapabakuna niya ng Sinopharm Coronavirus vaccine.

Sa kabila nito , humingi ng paumanhin si Pangulong Duterte sa paggamit ng naturang bakuna na wala pang Emergency Use Authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration.

Ayon sa pangulo, may mga kumausap sa kaniya na mga medical expert at sinabing delikado ang bakuna na hindi pa naaaprubahan ng FDA.

‘We are sorry that we committed , since that you are critizing us, we accept responsibility at ako mismo nagpaturok, its the decision of my doctor, anyway its my life”ani Pres. Rodrigo Duterte.

Nakuwestiyon ang legalidad ng paggamit ng Sinopharm ng pangulo kung saan Compassionate Special Permit (CSP) pa lamang ang ibinigay dito ng FDA.

Ibinibigay ang CSP sa mga gamot o medical product kung ito ay kailangang gamitin na ng mga pasyenteng may malalang sakit at wala ng iba pang gamot na maaaring gamitin.

Sa kabila nito, may paliwanag ang pangulo tungkol sa legalidad ng paggamit ng Sinopharm.

“Kaya lang, maybe its not acceptable to them but its legal actually, when the government allowed it to be used for compassionate use that itself is an authority for people to be injected”ani Pres. Rodrigo Duterte.

Dahil sa mga kritisismo, pinababawi na rin ni pangulong duterte ang 1,000 Sinopharm vaccines na donasyon ng China.

“So here’s the deal sinabi ko kay ambassador , criticized nila kasi hindi dumaan ng examination yung Sinopharm, sabi ko tanggalin mo na lang, you withdraw all Sinopharm vaccines, 1,000 of them, huwag ka na lang magpadala ng sinopharm dito para walang gulo”ani Pres. Rodrigo Duterte.

(Nel Maribjoc | UNTV News)

Tags: ,