Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na mapalakas pa ang ugnayan ng Pilipinas at Japan sa larangan ng agrikultura, enerhiya, kalusugan at imprastraktura. Ito ang napag-usapan ng dalawang lider ng bansa sa ginanap na working lunch sa Sidelines ng United Nations General Assembly sa New York, USA.
Kasama rin sa natalakay ng mga ito ang usapin sa East at South China Sea maging ang isyu ng economic coercion.
Nais ng Japan na maipagpatuloy sa ilalim ng Marcos administration ang iba pang mga infrastructure projects sa railways, Subic Bay development maging ang security at Coast Guard law enforcement.