Muling humarap si President Elect Rodrigo Duterte kagabi sa media at dito nilinaw niya ang kaniyang mga naging pahayag noong una kaugnay ng isyu ng media killings at korapsyon taliwas anya sa ilang mga lumabas na balita.
Ayon kay Duterte tatlong klase ang mamamahayag na kaniyang nakikita sa bansa, una na rito ang mga journalist na hindi tumatanggap ng suhol kundi mas importante sa kanila ay mailahad ang buong katotohanan.
Pangalawang klase ay ginagawa ang kaniyang trabaho dahil sa interes ng isang institusyon tulad na lamang ng mga trabaho ng isang press relation officer.
At ang pangatlo ay ang mga corrupt na mga mamamahayag.
“The third is the low life of of journalist, ito yung nagbibiyahe, accepting money from illegal sources, exposing jutting and in return keeping shut their mouth and received money, and these are the guys whose greed is unlimited, so they are paid now, they ask for more, and if there’s nothing coming their way they talk more, they destroy people and family and they die.”
Sa kabila nito ayon kay Duterte, hindi naman lahat ng namamatay na journalist ay dahil siya’y isang corrupt na tao taliwas anya sa mga lumabas na balita.
“In journalism, you speak the truth, firmly, then you invite danger, of course we want to protect you, but i cannot assign to every journalist crusading doing his thing and return being killed, e bakit in the end of the question, kami ang kontrabida.”
Nagpahayag rin ng pagkadismaya si Duterte sa naging kalakaran ng ilang media organization noong nakaraang eleksyon.
Partikular na tinutukoy niya rito ay ang hindi makatuwirang pagpapalabas ng Anti-Duterte ads.
“Kagaya nung ginawa just election kayong taga-Davao, nakita ninyo yung basura, both in the network and the newspaper, see the garbage Trillanes pouring in, and of course its money we ask one, bakit ganun sila, and he answered, he is the executive, e negosyo kasi ito e, you see. So you deal in a business that destroy the honor.”
Sa gitna ng mga isyung ito, ayon kay Duterte walang dahilan upang humingi siya ng tawad sa kaniyang mga sinabi.
“Im saying these without excuses, no apologies, no nothing, you like to hear it fine, if you don’t so be it, that’s the truth, huwag tayong magbolahan, alam ninyo yan, they abound the vultures pretending to be journalist”
Muling binigyang riin ni Duterte na hindi pa rin siya titigil sa pagsasalita ng katotohanan at handa niyang itaya ang kaniyang pagiging pangulo ng bansa sa mga usapin na ito.
(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)