Pres. Duterte, walang kinalaman sa pagpapababang kaso nina Supt. Marvin Marcos ayon sa DOJ

by Radyo La Verdad | June 21, 2017 (Wednesday) | 2377


Itinanggi ni Sec.Vitaliano Aguirre II na may impluwensya ni Pangulong Duterete sa pagpapababa ng kaso laban sa kasong isinampa kay Supt. Marvin Marcos at ilan pang pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Una nang ipinhayag ng kalihim na wala rin siyang kinalaman sa resolusyon ng DOJ na gawing homicide ang kaso ng mga ito mula sa murder.

Aniya si DOJ Usec. Reynante Orceo ang nag- resolba sa petition for review sa kaso nila marcos na isinumite ng mga naturang pulis.

Naniniwala din ang kalihim sa kakayahan ng kaniyang mga kasama sa kagawaran sa kanilang naging desisyon sa inilabas na resolusyon.

Matagal na aniya niyang kaibigan at kasama ni Usec.Orceo at tiwala siya sa integridad nito.
Handa rin aniya siyang humarap sa Senado upang bigyang linaw ang isyu.

Tags: ,