Pres. Duterte, umapela sa publiko na magpabakuna na

by Erika Endraca | June 3, 2021 (Thursday) | 7216

METRO MANILA – Upang lubos na mapigilan ang COVID-19 outbreak sa bansa, nanawagan na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kwalipikadong mamamayan na magpabakuna na.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa isang video message na inilathala sa page ng Department Of Health (DOH).

“I invite all our kababayans to be vaccinated at the earliest possible opportunity because this is the most, if not the only way, effective way, to defeat COVID-19 pandemic. Let us all keep in mind that the vaccine will not only protect you from the virus, it will also protect your loved ones, especially the sick and elderly.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ng pangulo, mahalagang hakbang ito upang muling makabangon ang ekonomiya ng bansa.

“Your participation in the “Resbakuna: Kasangga ng Bida” campaign is therefore key if we are to reopen our economy and reclaim our normal lives. To the Filipino people, let me assure you that the government will continue to do its best to protect you until we overcome this health crisis together. Let us heal as one nation. Kapwa Pilipino, magpabakuna na po tayo.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Vaccine Czar at National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, maaari nang tuluyang buksan ang ekonomiya kung kalahati na ng populasyon ng bansa ang bakunado kontra COVID-19.

Sa kabila ng suliranin sa global supply ng vaccines, positibo pa rin ang Duterte administration na kaya pa ring maabot ang target na 70% ng population na mapagkalooban ng bakuna bago matapos ang 2021.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,