Pres. Duterte, umaaasang maganda ang kahihinatnan ng pagsali ng Pilipinas sa COVID-19 clinical trials

by Erika Endraca | May 25, 2020 (Monday) | 67606

METRO MANILA – Positibo ang pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isasagawang clinical trials para sa potential vaccines kung saan lalahok ang Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, malaki ang interes ng pangulo sa usaping ito.

Sa huling quarter ng 2020 inaasahang makikibahagi ang Pilipinas sa clinical trials sa pangunguna ng Department Of Science and Technology (DOST).

Ang DOST din ang magdedetermina kung saan isasagawa ang clinical trials at kung sino ang kabilang na local institutions at pinoy researchers .

Kabilang naman sa collaborating organizations kung saan makikipagtulungan ang Pilipinas ay ang Adimmune Corporation, Academia Sinica, Chinese Academy Of Science- Guangzhou Institute of Biomedicine and Health at Sinopharma – Wuhan Institute of Biological Products and Beijing Institute.

Oras na maisagawa ang clinical trials, kabilang ito sa magiging requirements para sa registration process ng vaccine sa FDA at pagkuha ng certificate of registration para naman sa paglalabas ng bakuna sa merkado ng bansa.

Una nang sumali ang Pilipinas sa clinical trials ng WHO, na kinabibilangan ng testing sa off-label drugs na nagpakita ng senyales na epektibo ito laban sa COVID-19.

Samantala, pag-aaralan naman ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng DOST na makapagtayo ng RESEARCH CENTERS para sa Local Vaccine Research Development.

Kabilang na ang Virology Science and Technology Institute sa New Clark City, Tarlac at ang reactivation ng Pharmaceutical Development Unit sa DOST- Industrial Technology Development Institute.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,