Pres. Duterte, nakiusap sa mga LGU na bilisan ang pagbabakuna kontra COVID-19

by Erika Endraca | June 1, 2021 (Tuesday) | 4387

METRO MANILA – Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Local Government Unit na bilisan ang pagbabakuna kontra COVID 19.’

Bukod sa mabilis mag-exprire ang COVID 19 vaccines, nababahala rin ang pangulo sa posibilidad na pagmulan ng hawaan ang mga bakunahan.

“We need to administer the vaccines quickly because because the vaccine site to become spreader in event” ani Pres. Rodrigo Duterte.

Iniutos rin ng pangulo ang patas na distribusyon ng mga bakuna para sa mga malalayong probinsya

“Im directing Sec. Galvez to make a distribution parang pro-rata, hindi naman lahat pero mabigyan yung ibang starting Iloilo, Zamboanga, Cagayan, Butuan, mabigyan lahat paghati hatian natin ito tutal most of the, the bulk of the people in NCR meron na silang bakuna,” ani Pres. Rodrigo Duterte.

Nagpaalala rin ang pangulo sa publiko na walang bayad ang bakuna. Ito ay sa gitna na rin ng naiulat na bentahan ng vaccination slot.

“Libre yan, huwag kayong magbayad, wala kayong gastusin niyan, pumunta lang kayo sa bakuna, babakunahan ka libre” ani Pres. Rodrigo Duterte.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Junior, target nila na sa 3rd quarter ng taon ay makapagbakuna na sila ng 500,000 per day. Sa ngayon ay umaabot na ng 1M kada Linggo ang nababakunahan.

“Nakikita po natin gumaganda na ang ating datos dahil 2 consecutive weeks, 1 Million per week na po tayo’ani Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr.

Pabor naman si Pangulong Duterte na bakunahan ng wester brand na COVID vaccines ang mga seafarer.
Pumayag ang pangulo dahil na rin sa pangangailangan o requirement ito sa kanila bago umakyat ng barko at makapagtrabaho.

Samantala, sinabi ng pangulo na magbibigay ng donasyon ang Pilipinas sa COVAX facility ng world Health Organization. Bilang pagtanaw na rin aniya ito ng utang na loob dahil sa ibinibigay na bakuna sa Pilipinas.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: ,