METRO MANILA – Pabor na tinggap ng Departement of Agriculture ang Proclamation No. 1143 na pinirmahan ni President Rodrigo Duterte noong May 10, 2021, na mag deklara ng state of calamity sa buong bansa dahil sa African Swine Fever (ASF) outbreak.
“Sumasangayon ako sa Presidential Proklamasyon No. 1143 bilang isa sa mga pinaka kinakailangan kung saan tinutulungan nito ang lokal na pamahalaan o LGUs na isantabi ang bahagi ng Local Risk Reduction and Management Fund o tinatawag din calamity fund para sa mabilis na pagtugon, pagpapagaan, paghahanda, pagtugon, rehabilitasyon, at pagbuti na maaring dala ng insidente ng ASF sa kanilang lugar.” ani DA Secretary William Dar.
Ayon sa Proklamsyon No. 1143 ang bansa ay mananatili sa ilalim ng state of calamity sa loob ng isang taon maliban na kung ito ay palawakin ayon sa maaaring mangyari.
Ipinanukala ng DA ang state of calamity noong March, kung saan ito ay suportado ng NDRRMC.
Ayon kay DA-Bureau of Animal Industry (BAI) Director Reildrin Morales, ang ASF ay pinanukala noong August 2019, ito’y kumalat sa 12 na rehiyon , 46 na probinsya, 502 lungsod at munisipalidad at 2,652 na mga barangay.
Sa pamamagitan ng proklamasyon no. 1143, ang local na pamahalaan ay kayang mabigay ng masaganang mapagkukunan para maiwasan at mabawasan ang ASF sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapalaganap ng biosecurity measures .
Naidagdag pa niya na ang mga DA-BAI ay makikipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang masigurado ang pagpapatuloy at mabilisang askyon sa plano na nakahanda kasama ang plano ng nasyonal na pamahalaan.
(Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)