METRO MANILA – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na unti unti nang bubuti ang kalagayan ng bansa sa gitna ng pagbaba ng kaso ng COVID-19.
“There are better days ahead because since Dec. 1, we are having an average of 500 to 600 Covid-19 cases and the number of active cases continues to go down,” ani Pres. Rodrigo Duterte.
Paliwanag ng pangulo na nasa downward trend na ang COVID-19 positivity rate na mas mababa na sa 2 percent.
Sa kabila nito, hindi pa rin panatag si Pangulong Duterte sa posibleng epekto ng omicron variant sakaling makapasok na ito sa bansa.
“The Philippines expected to be strong economy in ASEAN In 2022 according to foreman, a global investment banking firm, that has to be seen, we still have to worry about the coming omicron and how would impact to the population of the Philippines” ani Pres. Rodrigo Duterte.
Umaasa ang pangulo na makakaya ng bansa na malagpasan ang problemang maaaring maidulot ng bagong variant.
“If ever dumating na we can cope up just what we did in COVID-19” ani Pres. Rodrigo Duterte.
Nagpasalamat naman ang pangulo sa mga nakibahagi sa nationwide vaccination program mula November 29 hanggang December 3.
Pormal na ring inanunsyo ni Pangulong Duterte ang gaganaping 2nd round ng bayanihan, bakunahan mula December 15 hanggang 17.
(Nel Maribojoc | UNTV News)
Tags: Omicron Variant