Pres. Duterte, looking forward na sa kaniyang retirement sa Davao City

by Radyo La Verdad | June 1, 2022 (Wednesday) | 31059

Masaya si Pangulong Rodrigo Duterte nang pulungin sa huling pagkakataon ang kaniyang gabinete nitong Lunes ayon sa palasyo. Iniulat dito ang mga nagawa ng cabinet clusters sa nakalipas na anim na taon at mga maaaring mai-endorso sa susunod na administrasyon.

Nagpasalamat na rin ang Punong Ehekutibo sa mga nagawa ng kaniyang cabinet official sa nakalipas na anim na taon.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Secretary Martin Andanar, masigla ang Presidente at looking forward na sa kaniyang retirement sa Davao City.

“The president was upbeat last night. He expressed gratitude to past and present cabinet officials for helping him run the country, and he looks forward to his retirement in Davao City and spending more time with family and his grandchildren,” pahayag ni Sec. Martin Andanar, Acting Presidential Spokesperson / Presidential Communications.

Ayon sa Malakanyang, hindi naman ito nangangahulugang tapos na ang trabaho ng Duterte administration.

“It’s the last cabinet meeting of the Duterte administration, ‘yung full cabinet meeting but it doesn’t mean we will stop working after that, may mga directives pa rin ang Presidente. Siyempre kung kinakailangan na magkaroon pa ng cabinet meeting in the next 30 days, gagawin naman natin ‘yun,” ani Melvin Matibag, Acting Cabinet Secretary.  

Bukod sa pagpupulong, isang thanksgiving dinner din ang inihanda ng Pangulo para sa mga miyembro ng gabinete.

Naghandog din ng awit ang Pangulo para sa mga kalihim at kanilang mga kabiyak.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Secretary Martin Andanar, nakaantabay lang sila kung mayroon pang Talk to the People Address na isasagawa ang Presidente sa mga susunod na linggo.

(Rosalie Coz | UNTV | News)

Tags: ,